Memory Almost Full (Notes from the archive recordings 2001 - 2008) series
Pag-ibig Findings 2003
Single channel, Color Video with Sound
Total running time 2:54 Min
Ang “Pag-IBIG Findings” ay isang serye ng group art shows na naganap tuwing Pebrero, at nakaabot ng tatlo, o apat na edisyon. Ang mga exhibit na ito ay ginanap sa mga artists-run spaces tulad ng Big Sky Mind Artist Project Gallery at Cubicle Art Space, na pinamumunuan nina Ronald Caringal, Clint Catalan, at Buck Pago.
Sinimulan ito ng mga estudyante ng UP Fine Arts na sina Chico Beltran, Dada Docot, Johnny Lao, Kim Landicho, Stanley Ruiz, Brian Sergio, Alvin Zafra, Miloy Caluag, at iba pa.
Ang huling edisyon ng “Pag-IBIG Findings” art show ay naganap noong 2003, at wala nang nasundan pagkatapos nito. Noong 2023, sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo, natagpuan ang mini DV tape na naglalaman ng archive ng nasabing exhibit at ito ay na-digitize.